top of page
Writer's pictureLista Admin

Ang 6 na utos para maging debt-free ngayong 2023


Ang utang ay parang mantsa sa puting kwelyo: hindi basta-bastang natatanggal. Ayon sa isang 2021 study ng Bangko Sentral, ang kabuuang unpaid credit card debt ng Pilipinas ay nagkakahalagang P297.49 billion.


Maliit man o malaki, hindi na bago sa atin ang pangungutang. In fact, karamihan ng tao ay tinuturing na parte na ng buhay ang pagkakaroon ng utang, whether sa kamag-anak, kaibigan, loans, o credit cards.


Kung tutuusin, marami nga namang benefits na dala ang pagkakaroon ng credit card at loans, that is kung gagamitin mo ito nang tama. Kapag napabayaan naman, siguradong mapupunta sa panganib ang iyong reputasyon sa mga bangko at iba pang mga pang-pinansyal na institusyon. Ganito rin ang maaaring mangyari kapag hindi mo binabayaran ang inutang mo sa kumare o kumpare mo. Tandaan, ang tiwala sa’yo ng tao ang nakataya tuwing ika’y umuutang.


Pero 2023 na. Unti-unti na tayong nakakabawi sa mga pinagdaanan natin noong pandemya. While old habits die hard, basta may disiplina at pagtitiyaga, kaya nating magbago. Isa na ang iresponsableng pangungutang ang kailangan mo nang iwan sa nakaraan.


So, anu-ano nga ba ang mga dulot ng pangungutang at paano ba natin maiiwasan ito? Ito ang 6 na utos para maging #debt-free ngayong 2023:


1. Magbayad in cash, always. At kapag wala sa budget, wag nang utangin.

Like we always say, cash is king. Noong pandemya lang naman nauso ang contactless payments not only as a safety protocol but also for their speed and convenience. Pero iba pa rin ang merong maiging cash flow in hand. It’s more tangible and definite.


Ang cash flow ay perang lumalabas at pumapasok sa iyong bank account. Ito ay binubuo ng income at ng expenses. So paano mo ba mamomonitor ito?


Bumuo ng isang budget sa simula ng kada buwan. Siguraduhing kasama rito ang iyong mga necessities tulad ng pagkain, utilities, at insurance. Ang mga luho ay dapat budgeted din para hindi ka matutuksong gumastos nang wala sa plano. At higit sa lahat, wag na wag kang gagamit ng mga credit card o loans upang mabili ang pwede mo naman pag-ipunan.


2. I-monitor ang mga ginagastos.

Iniulat ng Metrobank na 70-80% ng mga Pilipino ay hindi sumusunod ng mahigpit na budget plan. Isa ito sa mga pangunahing dahilan kung bakit nagkakaroon tayo ng utang. For starters, maraming natututo ng basic budgeting through the 70-20-10 rule.


Ang 70-20-10 rule ay isang simpleng budgeting plan kung saan 70% ay nakalaan para sa iyong living expenses, 20% para sa ipon, at ang natitirang 10% ay para sa luho o wants.


3. Alamin ang iyong discretionary budget.

May dalawang klase ng discretionary spending:


A. Ang obligatory o fixed spending ay ang mga serbisyo na binabayaran mo kada buwan (utilities, rent, insurance, postpaid plan, atbp.). At di porket “fixed” ang mga ito ay dapat habang buhay mo silang babayaran. You can can cut your obligatory spending by identifying what you no longer need. Isa sa mga maaari mong tanggalin sa iyong obligatory spending ang cable o magazine subscriptions, meal plans, at mga memberships na hindi mo na ginagamit.


B. Ang disposable cash naman ay ang ekstrang pera na pwede mong gamitin sa ibang bagay (travel funds, shopping, dining out, atbp.). Dapat maging mahigpit ka sa paggastos sa mga bagay na ito. Kung natutukso kang kumain sa labas o magpadeliver sa Grab, mas maiging magluto ka na lang. Pagdating naman sa shopping, why not consider getting your “new” wardrobe sa ukay-ukay? Kung pagtitipid ang pinag-uusapan, being resourceful is your end game.


4. Don’t fall for buy-now, pay-later promos!

Nagkalat na ngayon ang mga Buy Now, Pay Later promos dahil sa kanilang convenience at ease of applications. Kayang-kaya mo na mabili lahat ng gusto mo online. But what you don’t know is that they are practically loans o utang in disguise.


Mababa ang downpayment pero mataas ang interest rate na mahirap bayaran sa kalaunan. Sounds like a good deal pa ba sa’yo yung ganyang style? Pero hindi porket wala o katiting lang ang kailangan mong bayaran para ma-avail ang mga ganitong promo, kadalasan nasa huli ang pagsisisi.


Ayon sa isang article ng Business Insider, these programs are designed for people to easily spend more than what they have. In essence, they are installment loan programs na may late fees na umaabot ng 30%. Payo ng mga financial experts na dapat itong iwasan dahil it encourages impulse purchases, further rewarding instant gratification over delayed gratification.


5. Easy ka lang sa pag swipe ng credit card mo.

Walang masama sa paggamit ng credit card. In fact, it’s a great tool for effective financial management and building your credit score. Pero dapat mag-ingat pa rin—ang kapabayaan sa paggamit ng credit card ay dumadagdag sa iyong utang sa bangko.


Parating i-track ang halaga ng iyong credit card payments upang hindi lumampas sa credit limit. Laging bayaran ng buo ang credit card bill para maiwasan ang late fees at penalties. Credit score at tiwala mo ang nakasalalay kapag hindi ka nagbabayad na maaari mo rin ikakulong kapag tuluyan mo nang pinabayaan.


Kaya wag nang hayaang lumala pa ang problema, sapagkat ang late fees ay may compounded interest na tuluy-tuloy lalaki hangga’t hindi pa nababayaran ang utang.


6. Make small changes every day! Baby steps muna tayo.

Wag mag alala kapag hindi mo agad makuha ang 70-20-10 rule o anumang budget method ang bagay sa lifestyle mo. Kasama talaga sa process ang adjustment period, all it takes is some discipline and practice. Ang tunay na pagbabago ay dulot sa mga maliliit na desisyon at tagumpay sa araw-araw. After all, we have to start somewhere.


Kaya maigi nang simulan na ang bagong budget plan gamit ng Lista app: the no.1 financial management app in the Philippines. Para mas feel mong naka-‘New year, new me’ ka!


482 views1 comment

Recent Posts

See All

1 Comment


Joseph Mangalindan
Joseph Mangalindan
Apr 14, 2023

Akala ko po lista company magpo provide ng loan .... Juan hand pala

Magkaiba po ang lista at Juan hand

Like
bottom of page