Kahit ano pa mang ang estado mo sa buhay, hindi mo maiiwasan marinig na dapat mag lista ka ng kita at gastos. Bakit nga ba importante magbudget ng pera? Ang reklamo ng iba ay nakakapagod iyon at nauubos ang pera nila. Pero sa totoo lang, kung gumamit ka ng tamang accounting apps, mare-realize mo na sulit ang pagod mo kasi maraming mga benepisyo sa pagbabudget. Ipagpatuloy ang iyong pagbabasa para makita mo kung gaano kakritikal ang paglilista kung saan nanggagaling at napupunta lahat ng perang kinita mo.
Makakapagset Ka ng Goals
Kung ikaw ay masipag maglista ng income at expenses, pwede kang mag-long-term planning. Maari mong gawan ng paraan ang iyong malalaking financial goals. Halimbawa niyon ay:
Pag-iipon para makabili ng bahay
Pagtitipid para sa downpayment ng sasakyan
Unti-unting pagtatabi ng pera para sa bakasyon
Pag-budget para sa edukasyon ng anak
Ang iyong budget ay blueprint or guide mo para maallocate mo ng tama ang iyong expenses. Dito makakafocus ka sa wastong priorities. Bukod pa roon, kung alam mo magkano ang kita at gastusin mo, masisiguro mong di ka mag-overspend.
Gastusin Kung ano Lang ang Meron Ka
Ika nga nila, you must work hard to live within your means. Kaya dapat gastusin mo lang kung ano ang kita o sahod mo. Sa katunayan, mas mainam kung magtipid ka rin. Lahat ng tao ay kailangan ng savings para sa mga emergencies. Kung di mo talaga kayang bilhin ang isang bagay, wag gamitin ang iyong credit card. Bakit? Kasi maaari kang mabaon sa utang dahil malaki ang interest rates. Siguraduhing ang lifestyle mo ay angkop sa iyong sahod.
Paglaanan ang Iyong Retirement
Alalahanin, hindi ka magtatrabaho habang buhay. Sa iyong pagtanda, mas magiging prone ka sa sakit. Kaya habang bata ka pa lang, dapat magbudget ka ng pera para sa investments and retirement mo. Isang paalala: hindi mo rin retirement funds ang mga anak mo. Kaya gumawa ka na ng strategy para makapagtabi ng pera sa senior years mo. Kaya naman importanteng mag budget ka para mayroon kang tinatawag na nest egg pagka huminto ka na sa pagtatrabaho.
Nakakatulong sa Sudden Expenses
Kahit gaano ka kasinop, hindi mo mapaghahandaan ang mga emergencies. Mangyayari at mangyayari sila dahil kay tadhana. Para hindi ka ma-stress sa mga panahong iyon, importante na may savings ka o emergency fund. Kung gusto mo ng peace of mind, maglista at maglaan ng pera para sa mga unexpected surprises tulad ng:
Natural disasters gaya ng bagyo, baha, o earthquake
Biglang pagkawala ng trabaho
Akisdente sa pamilya
Sakit na malubha
Kamatayan sa pamilya
Makakatulong talaga mag-ipon para sa mga ganitong surprises. Higit sa lahat, isipin mo rin ang insurance para may sasagip sa iyo sa oras ng emergency.
Maayos Mo ang Spending Habits Mo
Higit sa lahat, pag ikaw ay matiyagang maglista, mahihikayat kang ayusin ang spending habits mo. Mapapansin mo na may mga bagay naman na hindi essential. Halimbawa noon ay:
Milk Tea
Starbucks Coffee
Dining out
Unused subscriptions
Bisyo tulad ng alak, sigarilyo, at sugal
Mukhang maliit lamang sila pagpa-isa-isa. Pero pag nag-total ka ng gastusin mo, masho-shock ka na ang dami mo palang “itinapon” na pera na hindi mo man lamang namalayan. Pero kung may budget ka, stick to necessities ka lang para makafocus ka sa financial goals mo.
Comments