top of page
Writer's pictureLista Admin

Korte Suprema Pinasimple at Pinaikli ang Proseso sa Pagsampa ng Kaso sa mga May Utang Sa'yo

Updated: Feb 5





Mayroon ka bang mga pinautang nang malaki-laking halaga at hindi ka pa rin nababayaran? Nais mo bang iakyat ito sa korte pero hindi mo alam kung saan magsisimula o namamahalan ka sa gastos sa abogado?


Sa binagong batas ng Korte Suprema noong April 11, mas mapapabilis ang proseso ng mga kasong sibil ukol sa small money claims. Kabilang sa mga money claims ay ang bayad sa utang, upa, serbisyo, at pag-sasangla.


Ang maganda pa rito ay mas mapapamura rin ang pagsampa ng kaso para sa mga maniningil ng nasa halagang hanggang 200,000 pesos dahil hindi na kailangan ng abogado. Ang kailangan lamang bayaran ay ang filing fee. Ang small claims forms kasama ng supporting documents lamang ang kailangan na isumite sa mga mababang antas ng korte, tulad ng Metropolitan Trial Courts (MeTC), Municipal Trial Courts in Cities (MTCC), Municipal Trial Court (MTC), at Municipal Circuit Trial Courts (MCTC).


Pagkasumite mo ng mga kailangan dokumento ay agad na aabisuhan at papasagutin ang sinampahan ng kaso. Magtatalaga din ng petsa para sa hearing na hindi lalampas ng 30 araw mula nang ika’y magsampa ng kaso. Kapag hindi nagka-ayos sa hearing ay magbibigay ng desisyon ang huwes sa loob ng 24 na oras. Ang magiging hatol nito ay magiging pinal at hindi na maaaring iakyat pa sa mas mataas na antas ng korte.


Layunin ng aksyon na ito ay ang makapagbigay nang mas simple at mas murang paraan para mahabol ng mga nagpahiram o creditor ang mga maliliit na utang ng mga nanghiram o borrower.


Hindi nga naman madali ang pagsingil ng isang utang. May kasamang stress at kahihiyan di lamang sa parte ng mga nangutang, ngunit pati na rin sa mga nagpautang kapag panahon na ng singilan. Pero hindi naman dapat nakaka-stress ang mga sitwasyong ito. Dito tayo matutulungan ng Lista.ph.


Sa mobile app nito, mayroong Utang feature, kung saan maaaring ilista ng isang user ang may utang sa kanya o kahit ang sarili niyang mga utang. Maaari itong magpadala ng libreng paalala tungkol sa mga kautangan gamit ang Facebook Messenger, Viber, o text.


Para malaman mo kung paano gamitin ang Lista.ph at ang Utang feature nito, panuorin ang video na ito.





Bago pa man humantong sa korte ay dapat pamahalaan na natin ang ating mga utang. Gumamit dapat tayo ng mga tools na makakapagpadali ng ating buhay at makakapagpabawas ng stress natin. Isa ang Lista.ph sa mga libreng financial tools na makakatulong at nakakapagbigay solusyon sa pag-manage ng ating mga finances.







7,797 views5 comments

Recent Posts

See All

5 comentários


Hannah Joy Dy
Hannah Joy Dy
22 de jul. de 2023

Paano nmn po yung ikaw ang may utang at hinulog hulogan mo nmn pero sasampahan ka pa rin ng kaso?

Curtir

Annie Brilleta Regidor
Annie Brilleta Regidor
16 de set. de 2022

Sobrang stress napo ako sa mga nangutang na puro na nagsilayas..napatawag ko nga sa Brgy.nuon at may mga Hearing nga pero pulpol ang mga opisyales dahil mahina umaksyon..kaya pinapa sa Dyos ko at may bahid na luha mula s akng mga mata na pinagdibdib ko ang mga Taong bastos na tinulungan mo sa panahon na gipit sila at humingi ng tulong sa akin pero lahat nagsilayas...Kaya magpatulong sana ako kung sino man ang may puso na makatulong sa mga nalista kng

Curtir

Pamela Tembrevilla
Pamela Tembrevilla
19 de ago. de 2022

How

Curtir

acrisjin
07 de jun. de 2022

May mga nangungutang sa akin nangangako ..mag bayad lingo lingo Ang nangyare walang inaabot na bayad pinapaasa lng ako palagi...Hanggang sa bigla nalang tinakasan Ang utang..ano kaya pwde ko Gawin ..Ang iba Naman Daan Daan na Lang ako...parang d na nakakilala sa akin..nahirapan ako maningil kc mga siga siga sa rilis

Curtir

Bammy Lubrino
Bammy Lubrino
31 de mai. de 2022

Sumasakit puso ko kapag yung inaasahan kong kabayaran ng utang saakin eh napapako, kadalasan inaabot ng twice na buwan sa pinagkasunduan. Nakaraan may nanghiram nanaman saakin worth of 8,000 pinahiram ko, perp nilagay ko sa feature UTANG ng Lista app. Para halos araw-araw ay maalala niyang may utang siya. Nakakatuwa naman dahil nagkukusa naman siya ngayon 1,500 nalang utang niya hehehe.

Curtir
bottom of page