top of page
Writer's pictureLista Admin

Oplan Iwas-Scam: Mag-ingat! Protect yourself against spam and scammers

Naglabas ng babala ang NPC (National Privacy Commission) tungkol sa mga spam text messages na pinagkakalat ng mga scammers. Ayon sa NPC, ang mga text messages na ito ay tinatawag na ‘smishing attempt’, kung saan hinihikayat ang mga biktima na magbigay ng kanilang sensitibong impormayson tulad ng bank details o ATM number sa pamamagitan ng SMS app.


Lahat tayo nakakatanggap ng scam messages, at kadalasan sila ang nagpupuno ng ating inbox. Ginagamit pa nga ng mga scammers ang ating pangalan at upang magpanggap bilang aktuwal na kumpanya at bangko. Paano ba natin maiiwasan ito?


Paano nila nalaman ang pangalan ko?

Nakukuha ng mga scammers ang ating pangalan at mobile number mula sa mga fintech (‘Financial Technology’) at social media apps tulad ng GCash at Viber. Ito ay tinatawag na data scraping, at pwede siya gawin manually o sa pamamagitan ng automated data scraping tools. Ang ibang mga scammers naman ay nakakabili ng mga listahan ng mobile numbers mula sa dark web.


Sinu-sino ba ang mga scammers na ito?

Bagaman ilang buwan na ang pag-imbestiga ng NPC, wala pa ang nakakaalam kung sino ang namumuno sa mga sindikato na ito. Ayon kay Deputy Privacy Commissioner Leandro Angelo Aguirre, ang mga scammers ay gumagamit ng mga prepaid SIM card at unlimited text promos. Lumalaban naman ang PLDT at SMART gamit ang mga spam filters, URL blocking at ID registration, pero karamihan pa rin ng SMS scams ay nakakalusot.


Paano dumidiskarte ang mga scammers?

Alam mo ba na mayroong dalawang paraan upang makuha ng mga scammers ang iyong pribadong impormasyon? Dapat proteksyunan natin ang ating sarili laban sa mga sumusunod:

  1. Malware.

Ang SMS text ay may kasamang URL na kapag pinindot ay magsisimulang mag download ng malware app sa iyong phone. Ang mga malware apps ay nagpapanggap bilang isang totoong app na humihingi ng iyong personal na impormasyon tulad ng iyong buong pangalan, phone number, at email.

  1. Malicious websites.

Gaya ng mga malware-type scams through questionable apps, magbabahagi din ang text ng isang website URL na hihingiin ang iyong data.

Bukod pa roon, ang mga scammers ay gumagamit din ng burner phones (e.g. mga lumang Nokia units) upang hindi kilalanin ng awtoridad. Pwede din nilang itago ang kanilang totoong mobile number gamit ng decoy.


Ano ba’ng nilalaman ng mga text scams?

Ang mga scams ay mahilig na mag offer ng mga suspicious raffle draw prizes, job hiring, at cash prizes. Maaari rin silang mamahagi ng bank freezing notice upang takutin ang kanilang mga biktima. Kadalasan, mali-mali ang spelling at grammar ng mga mismong text.


Oplan-Iwas Scam Tips and Tricks

1. Tawagan muna ang bangko o service provider para kumpirmahin ang message!

Don’t be intimidated! Ang mismong bangko o telecoms lamang dapat ang makakasagot sa anumang problema at katanungan mo tungkol sa iyong mga existing accounts.

2. Wag mag reply!

Ang mismong pag reply sa scam messages ay nagbibigay sa scammers ng impormasyon tungkol sa mga active mobile numbers. Wag nyo na lang patulan!

3. Kapag may link, wag i-click!

Simple lang naman umiwas sa SMS scams. Ang tanging paalala galing sa NPC: never click the links from numbers you don’t recognize!


263 views1 comment

Recent Posts

See All

1 Comment


tjlajum
Apr 18, 2023

ano po ba ang dapat gawin pag alam po ng scammer po ang details ko tulad po ng alam po nya full name ko contact number ko address ko???

Like
bottom of page