top of page
Writer's pictureLista Admin

P64 food budget, nakakabusog ba? Let’s discuss

May mga bagay na pwedeng tipirin but this should never be applied to your essentials, like food.


P64 food budget, nakakabusog ba? Let’s discuss


In case you're wondering, that accounts for a total of 3 meals a day — at according sa NEDA, kung afford mo ‘to then it doesn’t make you ‘food poor’.


Pero real talk, mabubusog ka ba sa budget na ‘yan; can it assure you a healthy and balanced diet?


Sa panahon ngayon, na halos lahat ng bilihin ay nagsisitaasan, parang ang hirap isipin na makakakain ka ng sapat sa ganitong kaliit na budget. Sige, let’s break it down—ang isang kilong bigas palang aabot na ng P50. Paano na yung ulam? Gulay? Wala pa rito yung pang-spice up, gasul, o kuryente para sa lulutuin mo.


In short, kung susubukan mo talagang pagkasyahin ang P64 sa isang araw, parang imposibleng mabusog ka, lalo na kung tatlong beses kang kakain sa isang araw.


Saan aabot ang P64 mo?

Kung tutuusin, kulang na kulang ang P64 para sa de-kalidad na pagkain. Marami sa atin, nagtitiis na lang sa tuyo’t kanin o instant noodles na puro preservatives. Hindi na ito simpleng pagtitipid — health and safety na ang itinataya mo rito.


Sa sinabi ng NEDA, parang disconnected na sila sa realidad ng buhay ng ordinaryong Pilipino. Hindi tama na gawing standard ang ganitong budget para sa lahat, kasi iba-iba ang pangangailangan ng bawat tao. Sa halip, dapat itong magsilbing wake-up call sa gobyerno para pagtuunan ng pansin ang mga programang tunay na tutugon sa gutom at malnutrition.


Quality food essentials and the poverty threshold

May mga bagay na pwedeng tipirin, pero hindi ito dapat ginagawa sa pagkain. Kaya hindi dapat gawing sukatan ang P64 na budget para sabihing kaya ng isang ordinaryong Pilipino mabuhay nang maayos. Kailangan natin ng maiging mga solusyon, hindi mga statements na nagdudulot lang ng pangamba at pagkadismaya.


 

5 tips para makatipid sa food essentials


Plan your meals.

Kung may plano ka na para sa kakainin mo every week, mas madali mong mababantayan ang bawat gagastusin. Makakaiwas ka pa sa pag-o-order ng takeout.


Buy in bulk.

Kapag bumili ka ng maramihan, mas makakamura ka. If you’re still living at home, pwede kang makihati sa budget ng mga kasama mo sa bahay para ‘di masakit sa bulsa.


Stick to the basics. 

Focus sa mga pagkain na may mataas na nutritional value pero hindi mahal, gaya ng gulay, itlog, at iba pang mga root crops tulad ng patatas, carrots, sibuyas, etc.


Cook at home, in advance.

Mas makakatipid ka kung magluluto ka na lang sa bahay kaysa kumain sa labas o mag-order ng food delivery.


Use budgeting apps.

Para on track ka sa iyong mga gastusin at makita kung saan ka pwedeng makatipid, gumamit ng mga budgeting apps tulad ng Lista. At least, magiging aware ka sa spending habits mo and how much money you have left to plan for.


At the end of the day, mahalagang matutunan kung paano maging praktikal, lalo na sa mga panahong tuluy-tuloy ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Pero tandaan, may mga bagay na hindi dapat tinitipid, gaya ng pagkain at kalusugan.

952 views0 comments

Recent Posts

See All

Comentários


bottom of page