top of page

Paano Magtayo ng Sariling Sari-sari Store?

Writer's picture: Lista AdminLista Admin

Updated: Feb 2, 2022




Nais mo bang dagdagan ang iyong kita kada buwan? Pwede kang magtayo ng Sari-Sari Store. Kapag maayos ang pagpapatakbo mo sa iyong tindahan, maaari kang kumita ng malaki. Kung nais mong malaman paano magtayo ng maliit na tindahan, basahin ang mini guide na ito:


Pumili ng Angkop na Lokasyon


Unang tanong eh saan mo plano ilagay ang tindahan. Kung ang bahay mo ay nasa magandang lokasyon, pwede ka magtayo ng Sari-Sari Store sa gilid or kahit sa garahe. Pero kung hindi angkop ang iyong bahay, kailangan mong magrent sa isang lugar na busy or maraming tao. Ang lokasyon ng tindahan ay importante dahil gusto mong madali kang puntahan ng mga mamimili.


Siguraduhin na Meron Kang Sapat na Budget

Kailangan mo ng tamang budget para pambili ng stocks. Bukod pa roon, kailangan din ng pera para maayos mo ang iyong maliit na tindahan. Huwag kalimutang maglaan ng budget para sa:

  • Materyales sa pagpapagawa ng tindahan gaya ng plywood, pintura, cemento, etc.

  • Pambayad sa laborers na gagawa ng shelves at iba pa

  • Signage or malaking pangalan ng tindahan na makikita agad ng customers

  • Dagdag na konsumo sa elektrisidad

  • Pambayad sa magbabantay ng tindahan


Ihanda ang Maayos na Pamamalakad


Kung plano mong magtayo ng Sari-Sari Store, siguraduhin mong masipag ka rin magtala o record ng pera at stocks na iyong ibebenta. Dapat maging maingat ka sa pagmanage ng iyong tindahan para di ka mawalan ng pera at mga paninda. Kalimitan, ang mga utang mula sa customers at mga panindang kinuha mismo ng iyong pamilya ang dahilan bakit kulang ang iyong kita.


Dapat ay tratuhin mong seryosong negosyo ang iyong munting tindahan ng sagayon ay hindi ka malugi. Itala at ilista mo lahat para alam mo kung saan nanggagaling at napupunta ang pera at stocks. Bukod pa roon, kailangan mong malaman kung ano ang pinaka popular na paninda para ma-replenish mo ang iyong imbentaryo.


Unahin ang Mga Basic Necessities


Kung ikaw ay magtatayo ng Sari-Sari Store, ang iyong pangunahing layunin ay kumita ng pera. Magagawa mo lamang iyon kapag ang mga paninda mo ay popular at mabilis mabenta. Upang masiguro mong sellable ang iyong goods, mag-research ka muna ng konti. Halimbawa, ang mga tindahan malapit sa simbahan ay dapat may stocks ng kandila at posporo. Pero kung ikaw naman ay nasa gitna ng subdibisyon, ito ang mga popular:

  • Pa-load ng cellphone

  • Bigas

  • Itlog

  • Gatas

  • Diaper

  • Mantika

  • Sabon panglaba

  • Asin

  • Asukal

  • Kape


Kapag gumamit ka ng tamang sistema, mas mabili iikot ang iyong kapital kasi in-demand ang iyong mga stocks.


Mag-Package ng Tinatawag na Tingi


Siguraduhin mo rin na meron kang individual packs or yung pang-solo. Ang pre-packaged small items ay pinaka-popular sa Sari-Sari Store. Kaya naman kahit sa malalaking grocery, makikita mo na may sachet ng shampoo at maliliit na pakete ng laundry powder. Kaya gumawa ka rin ng iyong sariling “tipid tingi packs” tulad ng limang pisong mantika sa plastic ng ice.


Bumili sa wholesaler para makamura ka. Pagkatpos, timbangin mo ng maliit at ilagay sa indibidwal na plastic. Ito ang mga halimbawa ng popular na produkto na pwede mong ibahagi sa maliit na portions:

  • Mantika

  • Asukal

  • Asin

  • Zonrox

  • Sibuyas

  • Bawang


Magbigay ng Tamang Serbisyo


Bukod sa lahat, kung nais mong maging matagumpya ang iyong Sari-Sari Store siguraduhin na ang mga lumang produkto ang ilalabas para hindi mag-expire o masira ang iyong mga paninda. Wag mo rin kalimutan ang tinatawag na “service with a smile” para bumalik palagi ang iyong mga customers.

8,424 views1 comment

Recent Posts

See All

1 Comment


mariceldelacruz
Jan 27, 2022

Sana ,magkaruon din po ako ng nsgosyo na saeisari store para sa mha anak ko,dahil isa po akong single mother sa 4 na anak ko po ,na walq ng soporta dumarating sa knilq sana po matulungan neo ko

Like
bottom of page