top of page
Writer's pictureLista Admin

Paano nga ba maka-ipon ng pera?

Updated: Feb 7, 2022




Ang pag-iipon ng pera ay kailangan maging habit. Ika nga nila, pay yourself first. Ito ang unang hakbang para makapag-build ka ng nest egg or wealth para sa iyong pamilya. Bukod pa roon, may peace of mind ka kung mayroon kang savings lalo na sa panahon ng emergencies. Hindi mo kailangan maging mayaman para magkaroon ng savings. Kahit ordinaryong tao ay pwedeng makapagtabi ng pera. Sundan ang mga tipid tips na ito:


Alamin ang Iyong Personal Budget


Dapat ay gamay mo ang iyong personal budget. Gumawa na listahan gamit ang notebook or accounting app para meron kang accountability. When you do this, makikita mo ang iyong cashflow. Alam mo kung saan galing lahat ng pera mo at ang total nito, lalo na kung ikaw ay may full-time job, investments, at side hustles.


Higit sa lahat, malalaman mo kung ano ang iyong mga expenses. Nariyan ang fixed expenses na same amount ang babayaran mo every month gaya ng internet or health insurance plan. May variable expenses din na paiba-iba gaya ng pagkain, utility bills, at gasolina. Pag ginawa mo ito, makikita mo ang essential expenses at ano ang pwede mong ibawas gaya ng yosi, coffee, dine out, etc. Maliit siguro sa paningin mo when you buy it. But when you add them all up, magugulat ka kasi the amount compounds.


Gumawa ng Savings Goals

Kalimitan, pagkuha mo ng sweldo ay nakalaan na agad ang pera mo sa bills. At kung may matira man, ang iba ay inuubos yun para naman ma-reward or treat ang sarili nila. Pagkatapos, kung may maiwan mang pera, iyun na ang itatabi nila. Mahirap ang habit na to kasi inconsistent ka. Kung talagang determined ka, dapat mayroon kang clear savings goal.


Halimbawa, gusto mo magsave ng 15,000 pesos by the end of the year, you should be saving 1,250 or more every month para ma-hit ang target na ito. Prioritize that para makamit mo ang goals mo. Gawin mong non-negotiable ang amount na iyan.


Subukan ang 70-20-10 Rule


Implement this rule kung saan ang sweldo mo ay divided into 3 categories. Ang 70% ay ang iyong expenses, ang 20% naman ay para sa savings, at ang 10% ay pambayad ng utang. Every person needs an allowance para sa daily living expenses. Ang savings naman ay pwede mo rain hatiin para makapag budget ka for retirement, emergencies, at other goals (lika vacations, tuition, kotse). At ang utang ay dapat mo rin bayaran para hindi ka lamunin ng interst rate. Once wala na yun, ang 10% ay pwede nang pang-investments.


Parang mahirap isipin pero kaya mong gawan ng paraan at diskarte. Ipit lang ng sinturon pagdating sa ibang mga bagay. For example, habit mong kumain sa labas, aba magluto ka na sa bahay at magbaon ka rin. Know your needs versus the wants at mas madali mong ma-implement ang rule na ito.


Automate ang Pag-Save


Kung automated ang pagbayad ng ibang bills gaya ng Netflix or Spotify subscriptions mo, eh pwede mo rin gawing automated ang iyong savings plan. Pwede kang mag-arrang ng ganitong setup sa banko para sila na ang magdeduct ng set amount every month sa payroll account mo.


Another option is to do it yourself. Transfer a specific amount online to another account para hindi ka na matempt galawin iyon. You just need to stay disciplined and do this every month ng hindi pumapalya. Once it becomes a habit, hindi ka mahihirapan gawin. As a result, you build greater wealth for yourself and family.

10,449 views4 comments

4 Comments


it backup
it backup
Mar 16, 2023

sana magawa ko ito

Like

wenavillaganas12
May 10, 2022

Gagawin ko

Like

Melvin Malamug
Melvin Malamug
May 07, 2022

amazing may choice ako sisimulan ko narin ❤️❤️❤️❤️

Like

Leigh Garcia
Leigh Garcia
May 07, 2022

Sana magawa ko ito, pero sisimulan kna ngaun. . . 💪😅

Like
bottom of page