top of page
Writer's pictureLista Admin

Pag-IBIG or Bank Loan, ano nga ba ang best option para sayo?



Isa ka din ba sa mga nangangarap para ma-achieve ang iyong #BahayGoals? Kung ikaw ay naghahanap ng tamang financial option para makamit ang iyong dream house, may dalawang financing institutions na maaari mong pagpilian – bank financing at Pag-IBIG financing.


Ang bank financing ay pag-aari ng mga private banks tulad ng BDO, BPI, Security Bank, Unionbank at marami pang iba samantala ang Pag-IBIG ay pinamamahalaan ng gobyerno.


Narito ang ilang impormasyon ng dalawang financing housing loan upang mas matulungan kang pumili ng akmang loan para sa'yo.

PAG IBIG HOUSING LOAN

BANK HOUSING LOAN

Eligibility

Isa kang Pag-IBIG member with at least 24 monthly contribution o maaari kang magbayad ng lump sum para sa 24 monthly payments o 4,800 pesos na kabuuang halaga.


Hindi lalampas sa 65 yrs old sa petsa ng iyong application at hindi hihigit sa 70 yrs old hanggang sa iyong loan maturity.


Walang history sa Pag-IBIG housing loan na naremata (foreclosed), cancelled at bought back due to default

21-65 years old


Hindi lalampas sa 65 yrs old hanggang sa iyong loan maturity


Pumasa sa minimum monthly income requirement ng bankong napili


Para sa mga employed: nagtatrabaho sa kasalukyang kumpanya nang hanggang 2 taon


Para sa mga self-employed: kumikita ang negosyo sa loob ng 2-3 taon.

Capacity to Pay

Para sa mga minimum wage earner at low income earners, inihahatid ng PagIBIG Funds Affordable Housing Loan ang 2,245.30 na bayad kada buwan sa loob ng 30 taon.


Para sa mga above average earner, ang kabuuang halaga ng loan kada buwan at hindi lalampas sa 35% ng iyong Gross Salary Income

For employed, with at least 40,000 to 50,000 Gross Salary Income

Loan Purpose

Home Purchase - loanable amount is 80% of the appraised value


Lot/condo purchase - 70% of the appraised value (Lots not exceeding 1,000 square meters)


Construction loan - 80% of the bill of the materials


Home improvement loan - renovation of existing home


Refinance mortgage - must have 2 years of payment history with official mortgage at walang lapses ang payment sa loob ng 2 taon.

Home Purchase - loanable amount is 80% of the appraised value


Lot/condo purchase - 70% of the appraised value


Construction loan - 80% of the bill of the materials


Home improvement loan - renovation of existing home


Refinance mortgage - must have 2 years of payment history with official mortgage at walang lapses ang payment sa loob ng 2 taon.

Loan Limit

Mula Php 450,000 hanggang 6 million

Mula Php 500,000 hanggang 50 million depende sa kapasidad mong magbayad

Loan Appraisal Value

90-100% ng total accumulated value

70-80% ng total loan amount pero nagbabago pa rin ito depende sa bangkong napili

Interest Rates

Para sa mga minimum wage earner: 3% interest per annum sa ilalim ng Affordable Housing Program ng Pag-IBIG


Para sa mga above average earner: 5.75% - 9.875%

6.25% - 10%

Loan Repayment term

(Tagal ng pagbabayad)

1-30 years of term payment


Hindi lalampas sa 70 yrs old ang difference ng iyong loan maturity mula sa kasalukuyang edad ng principal borrower


Halimbawa: Kung ikaw ay 55 yrs old sa kasalukuyan, hanggang 15 taon ng loan repayment term lamang ang maaari mong makuha para hindi ka lumampas ng 70 yrs old sa iyong loan maturity.

1-20 years of term payment (up to 30 years sa MayBank)


Hindi lalampas sa 65 yrs old ang difference ng iyong loan maturity mula sa kasalukuyang edad ng principal borrower


Halimbawa: Kung ikaw ay 55 yrs old sa kasalukuyan, hanggang 10 taon ng loan repayment term lamang ang maaari mong makuha para hindi ka lumampas ng 65 yrs old sa iyong loan maturity.

Mode of Payment

Kung ikaw ay employed, isang paraan ang Collection Servicing Arrangement (CSA) with employer, employer mo ang mag-reremit ng iyong monthly payments sa Pag-IBIG fund


Auto-debit arrangement (ADA) sa mga Pag-IBIG Fund partner banks


Post-dated checks

Automatic Debit Arrangement (ADA)


Post-dated checks

Processing period

Mula 15 business days or higit pa

5-15 banking days

Siguradong makukuha mo ang pinapangarap mong #BahayGoals kung pipili ng tamang financial option batay sa iyong kapasidad. Sa tulong ng mga housing loans na'to ang dream house na pangarap mo lang noon, achieve mo na ngayon.


Publication note: ang mga impormasyon dito ay base sa average offers ng karamihan sa mga banko sa Pilipinas. Upang malaman ang saktong requirements and terms, maari kayong tumawag sa kanilang mga customer service hotlines o magpunta sa pinakamalapit nilang bank branch.


Ang bisa ng impormasyon dito ay base sa publication date na April 01, 2022. Maaaring magpalit ang mga terms ng banko at Pag-IBIG sa mga susunod na panahon.




Ang layunin ng Lista ay tulungan ang bawat Pilipino na itaas ang kalidad ng kanilang buhay one step at a time. Gamit ang libreng Lista App, maari nang ilista and mga pumapasok at lumalabas na pera upang ma-budget ito ng tama. Maari ding gamitin ang Lista upang maningil ng utang at gumawa ng invoice.


I-download ang lista app dito: https://listaph.page.link/website-blog-housingloan

1,049 views1 comment

Recent Posts

See All

1 Comment


cordovansarah6
cordovansarah6
Apr 26, 2023

Maaaari po ba ako makapag loan sahalagang. Makapagpapatayo ako ng maliit na grocery store at mababang mauupahang pwesto at makakapamili ako ng paninda na sobra di po baleng sobra wag lng kulang atb mapapaikot ko ng doble ang aking paninda kung ito po ay sobra naniniwala po ako di baleng sobra wag lng kulang kasi pag kulang di na makaadjust

Like
bottom of page