Bago mo pa ito gastusin, here are some smart ways to keep it safe para iwas-ubos biyaya.
You’ve probably gotten your 13th month pay by now or baka parating palang. But once ma-deposit na ito sa account mo, ano plano mo?
Habang nate-tempt kang mag-splurge agad sa Christmas gifts, gadgets, or travel ganaps, importanteng siguraduhin na sulit ang paglalaanan ng 13th month pay mo.
Ano ang 13th month pay?
Ang 13th month pay ay mandatory benefit para sa lahat ng rank-and-file employees sa Pilipinas na nagtatrabaho ng at least one month sa isang taon. Katumbas ito ng one-twelfth (1/12) ng total basic salary na na-earn mo sa buong taon.
As mandated by the government, binibigay ito bago mag-Pasko, usually within the whole month of November ‘til December 24, basta dapat ‘di paaabutin ng mismong araw ng Pasko. Kaya perfect timing talaga ang pagdating nito for your holiday ganaps at iba pang financial planning.
Bilang malaki-laking halaga ang matatanggap mong sweldo nitong mga huling buwan ng taon, why not plan for your next money moves for 2025 with your hard-earned 13th month pay? Here’s how:
Budget your gastos at ipon using the 70-20-10 method
Split your 13th month pay into portions: isang bahagi para sa Christmas shopping for yourself and your loved ones, isa para sa savings, and the last for your emergency fund, kung wala ka pa nito. Halimbawa, 70% para sa holiday ganaps, 20% savings, 10% emergency fund. This way, mas controlled at predictable ang spending mo.
Magbayad ng utang
Para talaga ‘to sa mga tirador ng credit cards — kaya kung may pending bills or utang ka, unahin itong bayaran para clean slate ka next year! Clearing your debts ay hindi lang magbibigay sa’yo ng peace of mind, kundi makakatulong din para mas maging financially free ka next year. ‘Di naman kailangan lahat, kahit kung magkano lang ang kayang bayaran.
Invest in your future
Mindset ba, mindset? Eto mindset: your 13th-month pay can be a means for you to start investing. Pwede mong ilagay sa mutual funds, stocks, or kahit sa maliit na negosyo. Kahit maliit na amount lang, basta may masimulan ka.
Plan for bigger goals
Kung may balak kang bumili ng malaking bagay, like a gadget or appliance, gamitin ang 13th month pay as a partial payment para hindi ka na mangutang.
Every year tayong nakakatanggap ng 13th month pay so we must treat it well, like it’s an opportunity to be more flexible with our finances. Hindi kailangang ubusin agad-agad — you can take your time to plan para masiguradong napupunta ito sa mga bagay na talagang mahalaga sa’yo.
Ang importante, ikaw ang may kontrol sa pera mo, not the other way around. Kaya kung may plano ka at malinaw ang priorities mo, mas mae-enjoy mo ang 13th month pay mo nang walang guilt o stress.
Comments