Sa kanilang official Facebook page, hinikayat ng Philippine Coconut Authority ang mga nasa coconut industry na magparehistro upang makalahok sa mga proyekto ng gobyerno. Maaring sumali dito hindi lamang mga may-ari ng lupa kundi pati mga grower, tenant/tenant-worker, at farm worker/laborer.
Narito ang kanilang panawagan:
Para sa ating mga magniniyog (farmowner, owner-tiller, grower, tenant/tenant-worker, farm worker/laborer):
Para sa ating mga magniniyog na mga nakatakdang benepisyaro ng Republic Act 11524 o Coconut Farmers and Industry Trust Fund Act, ito ay upang mapabilang sa mga programang nakasaad sa batas na ito, at upang tayo ay makalahok sa pagpili ng magiging farmer-representatives sa PCA Board.
Ang NCFRS ay ang opisyal na talaan ng pamahalaan upang mabigyan ng pagkakakilanlan ang mga magniniyog na Pilipino, na ginagamit na batayan sa implementasyon ng mga programa at proyekto nito.
Iba't ibang paraan ng pagrehistro:
1. Sa mass registrations (sa barangay/munisipalidad);
2. Walk-in registration sa alinmang PCA office;
3. Pag-fill up ng NCFRS form at pag-send via email o sa PCA office; o
4. Online registration sa link na ito: bit.ly/ncfrscocolevy
Downloadable NCFRS form: bit.ly/ncfrscocolevy
Tulong-tulong, ating siguraduhin na ang lahat ng ating mga maliliit na magniniyog na mga nakatakdang benepisyaryo ng ating Coconut Farmers and Industry Trust Fund Act ay makakapagrehistro upang mapabilang sa opisyal na talaan na ito, at matanggap ang serbisyo at tulong na itinakda para sa kanilang pag-unlad.
Para sa iba pang mga katanungan, i-message ang aming mga Facebook page
Note: Ang post na ito ay mula sa Philippine Coconut Authority at ibinabahagi ng Lista PH upang tulungan ang ating mga kababayan sa coconut industry na malaman ang proyektong ito ng gobyerno. Para sa mas maraming impormasyon, i-like ang Facebook page ng PCA dito: https://www.facebook.com/PhilippineCoconutAuthority
Comments