top of page
Writer's pictureLista Admin

What is the 70-20-10 budget method? Alamin natin

Updated: Nov 22, 2022

Like the 50-30-20 rule, the 70-20-10 budget splits your money into Needs (70%), Savings (20%), and Wants (10%).


Kung ikaw ay baguhan pa lamang sa budgeting at gustong matuto kung paano ibabalanse ang iyong mga gastusin at ipon, ang 70-20-10 budget method ay isang magandang panimula na hindi mo kailangan masyadong pag-isipan.

Simple lang ang ipinapakita ng 70-20-10 budget: hinahati nito ang take-home pay mo into three major categories:

  • Living expenses o pang araw-araw na gastusin

  • Wants tulad ng shopping at iba pang libangan

  • Savings para pang-emergency o retirement

Ganito rin ang framework ng 50-30-20, isa sa mga alternatibong budgeting rule na kagaya ng 70-20-10. Ang kaibahan lang nila ay mas makakaluwag ka sa 70-20-10 dahil mas simplified ang magiging allocation ng pera mo.


Meaning, may sapat kang halaga para sa Needs mo nang hindi ipinagpapaliban ang budget para sa Wants at Savings. Iwas micro management din dahil ito ay isa lamang sa mga maraming gabay na maaari natin pagbasehan para maikurba ang ating bad spending habits.

Anu-ano pa nga ba ang mga benepisyong dala ng 70-20-10 budget method? Suriin natin:

  1. Binubuo ng living expenses ang 70% ng iyong income. Saklaw nito ang iyong rent, recurring bills, digital subscriptions, groceries, prescribed medicine, gas, transpo, at iba pang mga gastusin na revolving kada araw, linggo, o buwan. Maswerte ka na lang kung may natitira pa sa 70% ng allocated funds mo – pwede mo ilipat ang natirang pera sa iyong Wants o Savings.

  2. Pagkakaroon ng ‘Pay yourself first’ mindset. 20% ng iyong income ang maaaring mapunta sa ipon. At dapat tuwing araw ng sahod, ito ang first priority mo para may peace of mind ka habang nagbabayad ng bills o nagsh-shopping. You no longer have to worry about being penniless in the long run because you already set aside a portion of your money towards your savings.

  3. Mag-enjoy while still being a responsible adult! Ang huling 10% ng income mo goes towards the things you enjoy in life. Treat yourself!

Intended to make budgeting more fun and less restrictive, dito sa Lista naniniwala kami na ang 70-20-10 budget ang pinakabagay na budgeting method sa mga Pinoy na nagsisimula pa lamang matutong mag budget.


Pwede niyong subukan ito sa Personal Budgeting feature ng iyong app. Lista na ang bahala mag suggest ng budget allocation para sa iyong Needs, Wants, at Savings!

Basta kumpletuhin lamang ang registration ng Personal account with your budget information after niyong i-download ang app.

13,409 views2 comments

Recent Posts

See All

2 commentaires


rosalingaurna71
17 mars 2023

Paano po mag

J'aime

MJ Negrilo Aquino
MJ Negrilo Aquino
16 févr. 2023

How to loan

J'aime
bottom of page