top of page
Writer's pictureLista Admin

When utang turns into memories…


Dahil ang mga taong may utang ay prone sa amnesia. Wala kaming pinapatamaan dito pero kung tagos sa’yo ‘to, keep reading!


Sino sa inyo ang maraming kakilala na maagang nagkaka-Alzheimer’s kapag siningil mo? Ano ang madalas nilang dinadahilan sa’yo? Nagbabayad naman ba sila pagkatapos ng mga dinahilan nila?


Katanggap-tanggap pa yung mga legit na excuses sa delay ng pagbayad ng inutang sa’yo. Kesyo naghihintay pa sila ng sahod, hindi pa nagpapadala si erpats o ermats, o nagsabay-sabay ang mga bayarin kaya sila’y kinapos. Understandable kasi it always pays to be patient and empathic. ‘Cause when the time comes, you can trust them kapag ikaw naman ang nangailangan.


Pero paano kapag dumating na sa point na hindi na nagparamdam ang nangutang sa’yo? Yung nakailang chat ka, tawag, o text sa kanya para maningil pero dedma lang siya sa’yo… You got ‘ghosted’, ika nga sa modern dating.


Ang masakit pa do’n, ikaw pa yung magi-guilty dahil naghahabol ka! Ikaw na yung inutangan, ikaw pa yung mahihiya – ’di ba it’s supposed to be the other way around?

And that’s when you know that your utang is now nothing but a memory…


Bakit ka ba umuutang?

Lahat tayo ay may utang. O at least tayo’y dumating na sa punto ng buhay na kinailangan natin mangutang. No’ng tayo’y mga bata pa lamang, kadalasan baon sa utang ang ating mga magulang dahil sa hirap ng buhay. Ginawa nila ito para may pang-birthday, pang-debut, pang-tuition, pang-school supplies, at may baon tayo sa school.


Almost all their debts were well-intended. Gusto lang naman nila ipakita sa atin ang masarap na buhay na kaya nilang ibigay. Para mapasaya nila tayo dahil ang kaligayahan ng anak ay ang kaligayahan ng mga magulang.


Pero ikaw – na single, in a relationship, it’s complicated, married, fur parent, panganay na ginawang breadwinner, palamunin, o walang will to live – bakit ka nangungutang? Saan ba napupunta ang perang inuutang mo? May mga diskarte (o mga pinagbabawal na technique) ka bang ginagawa para lang makahakot ng pera?


Mga karaniwang dahilan ng isang tao kapag nangungutang just in case maka-relate ka:

  • Mas inuuna ang wants kesa sa needs. Mangungutang sila via credit card o sa kaibigan nilang nakaluwag-luwag para ipang-travel, ipambili ng latest iPhone, o pang-inom with friends na gusto nilang i-impress. Dahil kulang ang kinikita o budget pangluho, mangungutang sila.

  • Para masabihan o ipakita na sila’y #YAYAMANIN. Marami diyan yung bibili ng sasakyan, alahas, o bahay tapos ipagyayabang sa social media, for the clout. Malalaman mo na lang kalaunan na galing sa loan ang ipinambayad.

  • Walang emergency fund, insurance, o health care. No choice kapag kinulang sa budget – talagang mangungutang ka ‘pag ang isang miyembro ng pamilya ay nagkasakit. Magbebenta ka rin ng mga gamit para dagdag bayad sa hospital bills. Minsan, kinakailangan mo talaga dumaan muna sa butas ng karayom kapag ang mahal mo sa buhay ay nasa bingit ng kamatayan.

Bakit ayaw mo magbayad ng utang?

Ayon sa YouTuber na si Gee Isa-al, mas gugustuhin na lang ng ibang tao na magkaroon ng utang kesa mag-ipon. Biro mo ‘yon, mas mangungutang na lang daw sila kesa palaguin ang pisong pinaghirapan. Wala naman masama sa pangungutang kung ang perang hiniram mo ay napupunta sa tamang lugar.


At kahit ano pang dahilan mo ng pag-utang, hindi ba dapat responsibilidad mo rin ang magbayad nang ayon sa pinag-usapan? Ang perang inutang mo ay pinaghirapan ng iba. Magkusa ka naman magbayad do’n sa taong inutangan mo.


At higit sa lahat, ‘wag na ‘wag kang uutang kapag hindi mo naman kayang bayaran! ‘Wag mo na rin dagdagan pa ang utang mo para naman makatulog ng mahimbing kahit konti ang pinagkakautangan mo! ‘Di mo ba nare-realize na isa ka sa mga nagdudulot ng sakit ng ulo sa mga taong nagsusumikap para lang kumita?


Ganito dapat maningil para wala silang takas

Kung ikaw naman ay bitter at tuluyan nang tinakasan ng mga nangutang sa’yo, download Lista for a stress-free singilan! Ang Lista ay merong Utang and Free SMS Reminder features na garantisadong ‘di ka na iiwasan ng mga may utang sa’yo.


Here’s how it works:

  1. Download and go to your Lista app!

  2. Tap Create Business

  3. Enter your desired Business Name and choose a Business Category

  4. Tap Add Business. Ire-redirect ka ng app sa iyong Dashboard

  5. Tap the Utang tab

  6. Scroll down on your Contacts and choose one

  7. Kung wala pa kayong Contacts sa list, i-click lang ang +Add Customer

  8. Sa contact na napili niyo, click Magbigay ng Pera

  9. Fill out the details and hit Done!

  10. ‘Matic na magse-send ang Lista ng FREE SMS reminder para maningil do’n sa pinautang mo!



570 views0 comments

Recent Posts

See All

Commentaires


bottom of page